Biyaheng Brussels, Belgium na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang makibahagi sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit.
Sa kanyang departure speech, inihayag ni Pangulong Marcos na umaasa siyang magiging produktibo ang EU-ASEAN Business Summit.
Mahalaga anya ang nasabing pulong dahil magsisilbing coordinator ang Pilipinas sa ASEAN-EU Dialogue Relations hanggang 2024 at kanyang maisusulong ang interes ng bansa.
Sa Miyerkules, Disyembre a – 14 dadalo si PBBM sa ASEAN-EU Commemorative Summit at makakaharap din nito si King Philippe ng Belgium.