Muling pumutok ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Central America, Guatemala City.
Ito’y pinangalanang ‘Fuego’ na mula sa salitang espanyol na ibig sabihin ay ‘Fire’, na nagbuga ng lava at umagos ang abo mula sa dalawang kilometro sa kalangitan.
Ayon kay Carlos Aquino, Spokesperson ng Highway Police, sarado ang isang kalsada na patungo sa timog mula sa gitnang bahagi ng Guatemala bilang pag-iingat sa publiko.
Binabantayan naman ng mga otoridad ang bulkan at hanggang ngayon ay wala pang inilikas.
Magugunitang nasawi ang 215 katao nang sumabog ang nabanggit na bulkan noong 2018. —sa panulat ni Jenn Patrolla