Naantala ang nakatakdang delivery sana ngayong araw ng dalawa sa 12 bagong FA-50 light multirole fighter jets sa bansa.
Ito, ayon kay Director Arsenio Andolong ng Department of National Defense-Office of Public Affairs, ay dahil sa masamang panahon.
Sa halip na ngayong araw ay lalapag ang mga supersonic jets sa Air Force City Park sa Clark Field sa Pampanga, alas-10:00 ng umaga, bukas.
Ang dalawang nabanggit na aircraft ay bahagi ng squadron ng FA-50 fighter jets na binili ng Pilipinas mula sa South Korea Aerospace Industries sa halagang P18.9 billion pesos.
By Drew Nacino