Magsasanib puwersa ang tatlong bansa na kinabibilangan ng Japan, Britain at Italy sa paggawa ng sixth generation fighter jet.
Ayon sa mga nabanggit na bansa, ang Global Combat Air Program ang lilikha ng bagong fighter jet bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga pagbabanta mula sa ibang bansa.
Layunin din nitong mapalakas ang security ties ng mga nabanggit na bansa at masiguro ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
Bukod pa dito, nais din ng tatlong bansa na ipagtanggol ang demokrasya, at ekonomiya at isulong ang seguridad at maprotektahan ang kanilang lugar laban sa mga mananakop at nais magsagawa ng pagsalakay.
Ang pagbuo ng bagong warplane ay inaasahang magsisimula sa 2024 at inaasahang lilipad sa taong 2035 na may kakayahang makapagdala ng mga makabagong armas military.