Kumpiyansa ang mas maraming Pilipino na gaganda ang kanilang buhay sa pagpasok ng taong 2023.
Batay sa ginawang face-to-face interview ng Social Weather Stations Survey, sa 1,500 adults sa bansa noong September 29 hanggang October 2, naniniwala ang mga Pilipino na mas magiging maayos ang uri ng kanilang pamumuhay sa susunod na labing dalawang buwan.
Sa datos ng SWS, lumalabas na 45% ng mga Adult Pinoy ang positibong gaganda ang kanilang pamumuhay sa 2023 habang 39% naman ang nagsasabing pareho lamang ang kanilang magiging pamumuhay at 4% ang nagsabing lalo lamang lalala ang kundisyon ng kanilang pamumuhay.
Nabatid na bumaba ng walong puntos ang Balance Luzon at limang puntos naman sa Mindanao habang tumaas ng siyam na puntos ang Visayas at pitong puntos naman sa National Capital Region.