Nanawagan ang Tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamahalaan na baguhin ang sistema ng pamamahagi ng financial aid.
Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Head Norberto Matienzo Jr., dapat magtalaga ang gobyerno ng mga tauhan sa remote areas upang magbigay ng ayuda sa mga benepisyaryo.
Aniya, nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay rito.
Nabatid na naiulat kahapon, Disyembre 11 ang pagkasawi ng walong pasahero ng jeep kabilang ang pitong senior citizens at isang limang taong gulang na bata na kumuha ng financial aid matapos tangayin ng baha ang sinasakyan ng mga ito sa naturang lugar.