Tuluyan nang inalis sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si National Irrigation Administration Acting Administrator Benny Antiporda.
Ito’y matapos italaga ni Pangulong Marcos si Eduardo Eddie Guillen bilang bagong NIA Acting Administrator.
Ayon sa isang source, ipinagkakatiwala ng punong ehekutibo kay Guillen ang pinakamataas na puwesto sa NIA.
Si Guillen ay sinasabing dating alkalde ng Piddig, Ilocos Norte.
Matatandaang pinatawan ng anim na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman si Antiporda matapos sampahan ng mga kasong administratibo ng ilang empleyado ng nasabing ahensya.
Sinisikap ng DWIZ Patrol na makuha ang panig ni Antiporda hinggil dito.