Nakatakdang talakayin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga lider ng European Union (EU) ang generalized scheme of preferences plus ng Pilipinas.
Makikipagpulong ang pangulo at kanyang high-level delegation sa mga opisyal Ng European Commission, European Council at European Parliament para pag-usapan an EU GSP+ Plus Privileges.
Sa ngayon, nasa alanganin ang estado ng GSP Plus ng bansa matapos ang banta ng EU Parliament na ititigil pansamantala ang trade privileges sa harap ng mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at kawalan ng press freedom.
Magugunitang ang gsp plus ang nagbibigay sa developing countries ng insentibo upang isulong ang mga programa para sa sustainable development at good governance.
Nakasaad sa trade preference scheme, na pinapayagan ang pagpasok ng higit 6,000 produkto mula sa Pilipinas sa EU nang walang buwis, sa kondisyon na ipatutupad ng gobyerno ang 27 international conventions on human rights, labor, environment and climate action at good governance.