Aabot sa mahigit 300 mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA) ang sumuko sa pamahalaan mula sa 35 barangay ng Gumaca, Quezon Province.
Sumuko ang nabanggit na bilang ng NPA at supporters upang matugunan ang kanilang hinanaing at makuha ang nararapat na benepisyo.
Kasabay din nito ang pagsurender ng walong baril at mga bala kasama ng tatlong improvised explosives device o IED.
Ang pagsuko ng mga miyembro ng CPP-NPA, ay bunga ng aktibong kolaborasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para hindi na bumalik pa ang mga ito sa kabundukan at makamit ang pangmatagalang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bansa.