Naka-handa na ang Bureau of Immigration sa pagbubukas ng international flights sa Kalibo at Caticlan airports sa Malay, Aklan.
Magsisimula na ngayong buwan sa mga nasabing paliparan ang ilang flights patungo at pabalik ng taiwan.
Inatasan na ni BI Commissioner Norman Tansingco ang port operations division na tiyaking may sapat na personnel na naka-deploy sa dalawang airport para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.
Ang kauna-unahang flight ng Royal Air mula Caticlan patungong Taipei ay nakatakda ngayong araw.
Magsisimula naman sa Disyembre a – bente nwebe ang flight ng Tiger Air mula Kalibo-Taipei-Kalibo na pina-planong gawing apat na beses kada linggo.
Inaasahan na anya nila ang dagsa ng mga international passenger sa lahat ng international port sa susunod na taon dahil sa pagluwag sa covid-19 restrictions.