Namemeligrong bumagsak ang produksyon ng bigas sa buong mundo sa susunod na taon kumpara sa naging ani ngayong taon.
Batay sa datos ng United States Department of Agriculture (U.S. – D.A), hihina ang produksyon ng lahat ng rice producing country.
Mula sa produksyon na 515 million tons ng bigas ngayong taon, nakikita ng U.S. – D.A na sasadsad ito sa 503.27 million sa taong 2023.
Ayon sa ahensya, 6.2 million tons ang mababawas sa produksyon ng bigas sa india habang 2.5 million sa pakistan sa nasabing panahon.
Damay din ang Pilipinas kung saan inaasahan ng USDA na bababa ang produksyon ng bigas ng 130,000 tons.
Dahil magiging mas kaunti ang ani ng palay sa susunod na taon, magmamahal ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.