Aminado ang Department of Agriculture (DA) na hindi dapat i-konsumo ang mga nasabat na puslit na sibuyas matapos makitaan ng bacteria.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, nakitaan ang mga sibuyas ng bakas ng kemikal, pesticides at e.coli bacteria na maaaring magdulot ng mga sakit, gaya ng pneumonia at diarrhea.
Hindi rin anya pumasa ang mga nasabing produkto sa phytosanitary test.
Ibebenta sana ang mga tone-toneladang sibuyas na nasabat sa divisoria, Maynila sa Kadiwa centers ng DA pero hindi itinuloy ng kagawaran matapos bumagsak sa nasabing pagsusuri. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla