Sasalang sa rehabilitation program ang mahigit 1,000 indibidwal na dating lulong sa ilegal na droga sa ilalim ng BIDA o Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan program.
Kasunod na rin ito nang pag-turnover ng NCRPO sa DOH ng mga naturang indibidwal bilang bahagi ng anti-illegal drug campaign ng gobyerno.
Halos 100 dating drug addicts na kumakatawan sa halos 1, 500 drug surrenderer sa buong Metro Manila ang dumalo sa ginanap na roll out ng nasabing programa.