Target ng Commission on Elections (COMELEC) na mahigitan ang 2 milyong bagong botante sa muling pag-arangkada ng voters registration.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco na tiwala silang maaabot ang nasabing bilang sa naturang registration na magpapatuloy hanggang January 31, 2023.
Aminado si Laudiangco na talagang maliit lamang ang mga opisina ng poll body kaya’t makakatulong aniya sa mga bagong botante ang inilunsad na ”register anywhere” project sa mga mall.
Pinayuhan naman ni Laudiangco ang publiko na maagang magparehistro upang maiwasan ang mga posibleng abala.