Tinitingnan ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng designated bus lanes na tulad sa edsa carousel sa commonwealth avenue at ilang lalawigan.
Kabilang dito ang Cebu, Davao, at Cagayan De Oro.
Paliwanag ni DOTr Secretary Jaime Bautista, naging maganda ang resulta ng edsa carousel kaya’t pinag-iisipan aniya ng sektor na maglagay rin sa mga naturang lugar para sa mas mabilis na transportasyon.
Nabatid na ginawa ng kalihim ang pahayag matapos kwestyunin ni Senator Risa Hontiveros kung bakit ang edsa lamang ang may bus lane sa naganap na commission on appointments hearing.