Viral ngayon ang nagpakasal na kambal na babae sa iisang lalaki sa isang grand ceremony sa Maharashtra.
Ang magkapatid na ito ay sina Rinki and Pinki Padgaonkar, habang ang lalaki naman ay si Atul Uttam Autade na isang travel agency owner.
Wala ring tumutol sa kasal mula sa dalawang pamilya.
Magkakilala na umano sina Atul at ang kambal simula pa noong bata pa sila.
Ang magkambal ay naninirahan kasama ang kanilang ina na may sakit pagkatapos mamatay umano ang kanilang ama.
Napalapit si Atul sa kanila dahil siya ang madalas na naghahatid sa kanilang ina sa ospital.
Ngunit ang nasabing kasal ay hindi naaayon sa lokal na batas sa kanilang lugar dahil hindi puwede umanong magpakasal ang isa habang nabubuhay pa ang kanyang asawa.