Mas tumataas ang kaso ng non-communicable disease tuwing holiday season.
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) partikular na ang sakit sa puso, diabetes. stroke at hypertension.
Nagbigay naman ng payo si Health Officer-in- Charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na maghinay hinay sa pagkain, pag inom , pagpapagod at stress bilang pag-iingat sa iba’t ibang sakit ngayong kapaskuhan.
Hinimok din ng opisyal na mas magandang gawin lahat ng aktibidad sa outdoor spaces o labas ng bahay upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.