Binigyang pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga sundalong nasawi sa bakbakan laban sa mga rebelde.
Sa naganap na wreath-laying ceremony sa headquarters ng 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela, pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang pagbigay pugay sa mga bayaning sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay para sa seguridad ng northern luzon at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Bacarro, malaki ang naging kontribusyon ng 5th Infantry Division (5ID) sa pagkamit ng kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa mga areas of operations.
Hinihimok naman ni Bacarro ang mga sundalo na tuparin ang kanilang mandato na tiyakin ang seguridad sa buong bansa.