Asahang lalo pang tataas ang presyo ng mga gulay halos dalawang linggo bago mag-pasko.
Bagaman normal namang nagmamahal ang gulay tuwing holiday season, nilinaw ni Department of Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez na hindi dapat sumobra ang presyo ng mga ito.
Ayon kay Estoperez, dapat maging makatuwiran at manatiling abot-kaya ang presyo ng gulay, partikular ang mga panahog sa pansit, lalo’t batay sa kanilang impormasyon ay marami ang supply sa northern Luzon.
Batay sa kanilang monitoring hanggang kahapon, tumaas na sa P140 ang kada kilo ng repolyo kumpara sa P120 kumpara noong Lunes; nananatili sa P100 ang carrots at P300 ang sibuyas;
Hindi rin natitinag sa P250 ang kada kilo ng bawang habang P100 ang imported.
Bumaba naman sa P120 mula sa P130 ang kada kilo ng patatas at P90 mula sa P100 ang kamatis.
Samantala, idinagdag pa ni Estoperez na hindi dapat maging labis ang pagtaas ng presyo ng gulay mula benguet upang kahit paano ay makabili ang mga consumer.