Sa loob lamang ng isang araw, labing-tatlong panukalang batas ang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Karamihan sa mga panukalang lumusot sa Kamara noong Lunes ay priority bills na tinukoy ng Marcos administration.
Kabilang ang labingtatlong bill sa common legislative agenda ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) na kinonvene ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Oktubre.
Dahil dito, umabot na sa labinglima ang priority measures na inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso sa huling pagbasa simula nang magbalik ang sesyon noong Nobyembre a – Syete.
Kabilang sa mga aprubado na ang Center for disease Control and Prevention Act, Internet Transaction o E-Commerce Act, Waste-to-Energy Act at Magna Carta of Barangay Health Workers Act.
Tiniyak naman ni House Speaker Martin Romualdez na ipagpapatuloy nila ang pagpasa sa iba pang Ledac-priority bills.
Samantala, ngayong araw ang huling sesyon ng Kongreso ngayong taon.