Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 1.4 billion tax evasion cases ang limang illegal vape sellers.
Pinangunahan ng bagong-talagang BIR Chief na si Romeo Lumagui ang paghahain ng kaso sa Department of Justice (DOJ).
Ito’y matapos masabat ang aabot sa P100,000 vape units at iba pang produkto mula sa mga illegal sellers.
Ayon kay Lumagui, nawalan ng mahigit 1.4 billion pesos na taunang kita ang gobyerno dahil sa mga smuggled vape.
Magiging agresibo anya ang pagtugis ng BIR sa mga big-time tax evader.
Mahaharap naman sa kasong “Unlawful Possession of Article Subject to Excise Tax Without Payment of Taxes” ang mga respondent. – sa panulat ni Jenn Patrolla