Nasaktan umano ang mga Overseas Filipino Workers o OFW’s matapos sabihin ni Pangulong Benigno Aquino III na sine-sensationalize lamang ang umano’y tanim o laglag bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang sinabi ng isa sa lider ng pro-OFW group na Migrante International na si Connie Bragas-Regalado.
Ayon kay Regalado, kumbisido ang mga OFW na totoo ang aniya’y pangingikil sa paliparan na sumulpot dahil sa naturang modus.
Manhid
Manhid si Pangulong Benigno Aquino III sa kapakanan ng mga OFW na umano’y target ng extortion scheme sa paliparan.
Ayon kay Bishop Ruperto Santos ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP, dapat tutukan ng gobyerno ang interes ng mga OFW.
Una nang binigyang diin ni Pangulong Aquino na manhid ito sa kalagayan ng mga OFW dahil ang medya lamang umano ang nagpalaki ng tanim-laglag bala o talaba scam.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco