Nakapulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang ilang Executive ng European Firms upang talakayin ang posibleng pamumuhunan nito sa Pilipinas.
Nasa Belgium ngayon ang punong-ehekutibo para dumalo sa commemorative summit sa pagitan ng association of Southeast Asian Nations at European Union.
Ayon sa Malakanyang, kabilang sa nakausap ni Pangulong Marcos ay ang mga kinatawan ng Multinational Consumer Goods Company Na Unilever, french shipbuilder na OCEAN at ang Spanish Infrastructure And Renewable Energy Firm na ACCIONA.
Humingi naman ng paumanhin si pbbm dahil sa hindi magandang lagay ng kaniyang boses sa kaniyang closing remarks sa asean-eu business summit, at idinahilan ang malamig na panahon sa Brussels.