Inilatag ang ibat-ibang aktibidad na gagawin sa huling araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Belgium.
Ito ay kaugnay sa katatapos lamang ng pagbubukas ng ASEAN European Union Commemorative Summit sa Brussels, Belgium na dinaluhan ng ibat-ibang mga lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN at European Union.
Nabatid na nagkaroon ng Philippines-EU Business Roundtables, Philippines-EU Business Networking Event, Commemorative Summit Plenaries, opening at official Welcome ng mga lider mula sa ibat-ibang mga bansa, at ang family photo ng ASEAN at EU leaders.
Inaasahang darating sa Pilipinas si Pangulong Marcos ngayong umaga kung saan, gaganapin ang gala dinner at closing event.