Naitala ng pag-IBIG Fund ang record-high income na 38.06 billion pesos mula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni kay Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na tumaas ng 39% at nalampasan pa ang 34.73 bilyon na nalikom nila noong buong taon ng 2021.
Aniya, ito ay nagpapakita na mahusay nilang pinangangasiwaan ang pondo na ipinagkatiwala sa kanila ng kanilang mga miyembro.
Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, umabot na sa 810.07 billion pesos o halos 10% increase na katumbas ng 65.49 billion pesos sa yearend 2021 level.
Pinasalamatan din ng mga opisyal ang mga miyembro at stakeholder nito para sa kanilang pagsuporta at pagtitiwala. - sa panulat ni Hannah Oledan