Ipagkakaloob ang kabuuang 1.961 billion pesos sa 352 Local Government Units (LGUs) para sa kanilang paggamit sa development initiatives matapos maging kwalipikado para 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG).
Personal itong tinanggap ng mga opsiyal mula sa 18 probinsya, animnapung lungsod at 274 na munisipalidad ang naturang award sa loob ng dalawang araw na seremonya sa Maynila simula Disyembre a-trese hanggang kahapon, Disyembre a-katorse.
Bukod pa sa natanggap na award ay ginawaran rin ang mga government leaders ng access sa SGLG Incentive Fund.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang bawat winning province ay makatatanggap ng financing na 9.5 million pesos, habang 7 million pesos naman sa mga siyudad at 5 million pesos naman sa mga munisipalidad.
Samantala, kabilang sa mga nagawaran ng papuri ay ang probinsiya ng
- Ilocos sur
- Pangasinan
- Isabela
- Quirino
- Bulacan
- Aklan
Siyudad ng:
- Caloocan city
- Mandaluyong city
- Balanga city
- Mabalacat city
- City of bacoor
- City of san pedro
- San carlos city
At munisipalidad ng:
- Caoayan, Ilocos Sur
- Alcala, Pangasinan
- Sanchez Mira, Cagayan
- San Mateo, Isabela
- Saguday, Quirino
- Plaridel, Bulacan
- Floridablanca, Pampanga
- Victoria, Tarlac
- Carmona, Cavilé
- Barugo, Leyte
- Kapatagan, Lanao Del Norte
- San Juan, Abra
– sa panulat ni Hannah Oledan