Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo ang huling pagbasa ang House Bill 6687 o ang mandatory National Citizens Service Training o NCST Program.
Kasunod ito ng pagsertipikang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa panukala.
Sa botong 276 yes, apat na negative at isang abstention, pinagtibay ang panukala na layong magrequire sa mag-aaral na kumukuha ng degree course sa Public at Private Higher Education Institution at 2 year TVET courses sa mga Tech-Voc Institution na sumailalim sa NCST.
Magiging mandatory dito ang Citizens’ Training Service Program o CSTP na kukunin ng dalawang taon habang magiging optional ang Reserved Officers Training Corps o ROTC na kukunin sa loob ng apat na taon.