Naglunsad ng prayer vigil ang mga kaanak ng tatlumpu’t limang nawawalang sabungero sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Nanawagan ang mga kaanak ng mga nawawala kay justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bilisan ang pagpapalabas ng resolusyon sa kaso upang managot ang mga nasa likod ng krimen.
Kabilang sa mga nanguna sa vigil sina Carmelita Lasco, ina ni Jonjon Lasco at Butch Inonog, ama ni John Inonog.
Iginiit ni Inonog na hindi naman sabungero kundi driver ang kanyang anak na si John at nasama lang sa mga dinukot.
Umapela naman si Carmelita Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Remulla na pagtuunan ng pansin ang kanilang panawagang hustisya upang makita ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nito lamang Disyembre a – nwebe, nakipagpulong sa ilang kamag-anak ng mga nawawalang sabungero ang special investigation task group.
Tiniyak sa nasabing pulong ng Criminal Investigation and Detection Group na tuloy ang paghahanap nila sa mahigit tatlumpung sabungero at sa mga taong sangkot sa kanilang pagkawala.