Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang holiday closure sa mga pantalan sa gitna nang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong mag-uuwian sa kanilang mga probinsya para mag-pasko.
Taliwas ito sa naunang post ng 2Go sa kanilang website na walang mga biyahe ang kanilang mga barko.
Nilinaw ni PPA General Manager Jay Santiago na walang naiulat na pagsasara ng anumang pantalan ng PPA sa buong bansa at tuloy ang 24 oras nilang operasyon, lalo sa Maynila at Batangas.
Maka-aasa anya ang publiko na ngayong peak season ay tuloy-tuloy ang operasyon ng mga pantalan kahit pasko at bagong taon.
Samantala, naka-deploy na ang PPA port police sa mga pantalan at handa na rin ang mga empleyadong naka-duty sa PPA malasakit help desk uapng asikasuhin ang mga uuwi, siyam na araw bago mag-pasko.