Sinimulan na ng iba’t ibang simbahan sa bansa ang tradisyunal na simbang gabi o siyam na araw na Novena mass bago mag-pasko.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, karamihan sa mga parokya ay sinusunod ang temang “synodality” o kapulungan.
Ito’y upang itaguyod ang paglalakbay ng bawat isa kasama si hesukristo.
Hinimok naman ni CBCP Vice President at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mga mananampalataya na dumalo sa unang Misa de Gallo.
Ipinunto ni Vergara na ang unang araw ang magdedetermina ng kalooban ng mga mananampalataya sa pagdating ni Hesukristo. – sa panulat ni Hannah Oledan