Aabot sa P150-M halaga ng pekeng brand ng damit ang nasamsam ng mga otoridad matapos ikasa ang operasyon sa isang bodega sa Cavite.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), nadiskubre ang bultu-bultong ready-to-wear garments at appliances matapos inspeksiyunin ang Hong Yun Real Estate Group Inc. sa M. Salud Road, Alapan II-A, Imus ng nabanggit na lugar.
Hawak na ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), ang mga nakumpiskang kagamitan matapos ang letter of authority na inilabas ng commissioner’s office sa tulong na rin ng mga police at local barangay officials.
Sa ngayon, patuloy pang inalam kung sino ang may responsable sa pamemeke ng mga kagamitan.