Tumaas ang mga cash remittances mula sa mga Overseas Filipinos ng 3.5% sa 2.91 billion dollars noong Oktubre kumpara sa 2.81 billion dollars na nai-book sa parehong buwan noong 2021, ayon sa datos ng Central Bank.
Mula buwan ng Enero hanggang Oktubre, umabot sa 26.74 billion dollars ang cash remittances na tumaas ng 3.1% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, na dati ay nasa 25.93 billion dollars.
Umabot naman sa 3.23 billion dollars ang personal remittances noong Oktubre na mas mataas ng 3.5% kaysa sa 3.12 billion dollars sa kaparehong panahon.
Ang pinagsama-samang mga personal na remittances ay lumago ng 3.1% sa 2.72 billion dollars sa unang 10 buwan ng 2022 mula sa 28.82 billion dollars sa parehong panahon noong 2021.
Samantala, mababatid na napapanahon angpagtaas ng remittances mula sa mga overseas filipino habang papalapit ang holiday season, na nagbibigay ng suporta sa lokal na pera. – sa panulat ni Hannh Oledan