Patay ang dalawang indibidwal habang sugatan naman ang apat matapos mahulog sa irrigational canal ang kanilang sasakyan sa Sitio Tuliao, Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga.
Ayon sa mga tauhan ng Tabuk City Police Station, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company at Tabuk City Disaster Risk Reduction and Management Office, isang blue double cab elf ang nahulog sa canal matapos itong mawalan ng kontrol kung saan, patuloy pang nagpapagaling ang mga biktimang nagtamo ng severe head injury.
Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Cesar Camtugan, driver; Marlon Kis-Ing, 35years old; Jaymar Badillo, 31years old; Daniel Cudal, 57years old at Jayson Kinto, 37 years old habang hindi na pinangalanan ang dalawang biktimang nasawi.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad matapos ang insidente.