Umaasa ang World Health Organization (WHO), na hindi na magiging public health emergency ng COVID-19 ang pagpasok ng taong 2023.
Ayon sa WHO, hindi na kailangan ng mahigpit na pagbabantay pero mainam parin ng dobleng pag-iingat dahil nabubuhay parin ang COVID-19 sa bansa.
Bukod pa dito, mataas parin ang bilang ng COVID-19 infections, pero mas mababa na ito kung ikukumpara sa nakalipas na dalawang taon.
Sa kabila nito, muling nanawagan sa publiko ang WHO na magpabooster na dahil karamihan sa mga namamatay ay ang mga indibidwal na wala pang bakuna laban sa virus.