Inilabas ng Light Rail Manila Corporation (LMRC), private operator ng Light Rail Transit line 1 (LRT-1) ang pagpapatupad ng special shortened operating hours sa darating na Christmas Eve at New Year’s Eve.
Sa December 24, alas-8:00 ng gabi ang aalis ang huling tren sa Baclaran station habang alas-8:15 ng gabi sa Roosevelt station.
Sa December 31 naman alas-7:00 ng gabi aalis ang huling tren sa Baclaran station habang alas-7:00 ng gabi sa Roosevelt station.
Alas-4:30 ng umaga naman aalis ang first trip ng tren sa mga naturang araw.
Samantala, sinabi ng pamunuan ng LRT-1 na patuloy ang kanilang paghahatid serbisyo sa mga pasahero sa Pasko, December 25; Rizal Day, December 30; at New Year’s Day, January 1, 2023.