Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte- Carpio na magpe-presenta ang Department of Education (DepEd) ng ‘State of Basic Education’ sa first quarter ng 2023.
Ito’y kasunod sa pulong ni VP Sara kabilang Private Sector Advisory Council sa ilalim ng Office of the President.
Ayon kay Duterte, ito’y upang matukoy ang direksyon at ang mga dapat tugunan sa larangan ng edukasyon.
Sentro nito anya hinggil innovations at pagpapataas ng kalidad ng mga guro ang ipapatupad ng DepEd, sa susunod na apat na taon.
Sa kabila nito, target ng ahensya na isailalim sa re-skilling ang mga guro upang mapalakas ang ang instructional leadership at supervision.
Prayoridad din na matulungan ang mga mag-aaral na nasa disadvantage position upang solusyon sa learning gaps at education access. —sa panulat ni Jenn Patrolla