Malapit nang masungkit ng Bay Area Dragons ang pagkapanalo sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos nilang tambakan ang San Miguel Beermen 114-95 para makuha ang 2-0 standing sa kanilang best-of-five semifinals.
Pinangunahan naman ni Andrew Nicholson ang koponan na nakapagtala ng 34 points at 16 rebounds.
Ayon kay Bay Area Coach Brian Goorjinan, matinding depensa ang ginawa ng kanilang team para manalo.
Samantala, pinangunahan naman ni June Mar Fajardo ang beermen na makapagtala ng 35 points. —sa panulat ni Hannah Oledan