Magsisimula ang christmas vacation sa pampublikong paaralan sa susunod na linggo ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa inilabas na Order no. 34 series of 2022 o ang school calendar and activities for school year 2022-2023, inanunsyo ng kagawaran na magsisimula ang bakasyon ng mga mag-aaral sa December 19, 2022 hanggang January 3, 2023.
Nakatakda namang magpatuloy ang mga klase sa Enero a-4 2023.
Samantala, inanunsyo rin ng DepEd na magsisimula ang remedial classes para sa mga pampublikong paaralan sa July 17 hanggang August 26 2023. —sa panulat ni Hannah Oledan