Pabor ang mayorya sa pagdedeklara sa Bayan ng Baliwag, Bulacan bilang isang lungsod.
Ayon kay Commission on ELECTIONS (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco, mahigit 23,000 ang lumahok sa plebesito.
Pabor ang 17,814 o 70.60% na gawing city o lungsod ang naturang lugar habang 5,701 o 24.19% ang hindi sumang-ayon.
Samantala, nasa ilalim ng Republic Act no. 11929, matutupad ang pangarap ng mga residente ng Baliwag na patatagin ang pagkilala sa kanilang pag-unlad at pag-angat ng kanilang ekonomiya. —sa panulat ni Jenn Patrolla