Hindi pa rin mararamdaman ng lahat o exclusionary pa rin ang 6 na porsyentong paglago ng Gross Domestic Product o GDP sa ikatlong bahagi ng 2015.
Ayon sa Ibon Foundation, patuloy pa ring bumabagsak ang kalidad at bilang ng trabaho sa bansa.
Inihalimbawa ng Ibon Foundation ang isang milyong inilobo ng mga underemployed o 8 milyon ngayong 2015 kumapra sa 7 milyon noong 2014.
Pumapalo na anila ngayon sa 20.3 percent ang underemployment rate, mas mataas sa 18.8 percent noong nagsisimula pa lamang ang Aquino administration.
Samantala, bigo naman ang Aquino administration na mapalago ang trabaho dahil nananatiling nakapako sa 6.5 percent ang unemployment rate o halos 3 milyon ng working force sa bansa ang walang trabaho.
Hindi pa umano kasama sa datos ang mga walang trabaho at underemployed sa lalawigan ng Leyte.
By Len Aguirre