Posibleng maabot ng Pilipinas ang target nitong maging upper middle income economy sa 2025.
Binigyang diin ito ni Socioeconomic Planning secretary Arsenio Balisacan kasunod na rin ng pagtiyak ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na dadalhin ang Pilipinas sa upper middle income status sa taong 2024 kung kailan maitatala ang nasa mahigit $4,000 income per capita.
Batay sa data ng Philippine Statistics Authority, ang Gross National Income (GNI) ng Pilipinas ay nasa mahigit 182,000 o $3, 300 per capita nuong isang taon, mas mataas kaysa sa peak ng pandemic year 2020 na nasa $3, 200 lamang subalit mas mababa pa rin kaysa pre-pandemic GNI.
Taong 2019 nang ilagay ang Pilipinas sa kategoryang lower middle income country matapos maitala ang GNI per capita na nasa pagitan ng one hanggang halos $4,000.