Tumaas na ang presyo ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Incorporated (PPMDAI), mas nagmahal ang presyo ng mga sangkap sa paggawa ng paputok kaya’t naging apektado produkto ng paputok.
Sa kabila nito, nangangamba ang manufacturers dahil sa pagtaas ng presyo nito at tangkilikin ng mga mamimili ang mga nagbebenta sa online.
Samantala, patuloy namang nagbabala ang awtoridad hinggil sa ipinagbabawal na paputok tulad na lamang ng pla-pla, kwitis at Super Lolo. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla