Nanguna ang lungsod ng Maynila sa pagbabakuna ng mga sanggol o ‘vax-baby-vax’ upang protektado laban sa sakit.
Batay sa datos ng Manila LGU, aabot na sa 27,550 na sanggol ang bakunado sa ‘routine vaccination program’.
Ayon kay mayor Honey Lacuna, nakipag-ugnayan ang MHD-LED team sa Department of Health (DOH) upang isagawa ang nabanggit na programa.
Ito’y laban anya sa primary tubercolosis, diptheria, pertussis at tetanus (DPT) at anti-measles.
Samantala, target ng pamahalaang lungsod na mabakuhan ang 128.9% na infants. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla