Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGU) na pangunahan ang information drive kaugnay sa sim card registration.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos na kailangang maipaliwanag ng mas mabuti ang kahalagahan ng Batas na Republic Act No. 11934 o subscriber indentity module o Sim Registration Act sa mga mobile subscriber.
Dagdag ni Abalos na ang sim registration act ay makatutulong sa Philippine National Police (PNP) at iba pang awtoridad sa pagpapatupad ng batas sa pagsugpo sa kriminal na aktibidad.
Umapela rin si Abalos sa publiko na suportahan ang Sim Card Mandatory Registration na magsisimula sa Disyembre 27.
Nagbabala rin si Abalos sa mga taong manloloko at magbibigay ng mali o kathang-isip na impormasyon at mga dokumento sa pagpaparehistro ng sim card.
Maaari aniyang maparusahan o makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon.
Pagmumultahin din ang mga lalabag ng nasa 100,000 hanggang 300,000 pesos habang ang panggagaya ay sasailalim sa anim na taong pagkakakulong at multang P200,000