Inihayag ng Department of Agriculture na bumaba umano ang produksiyon ng bigas para sa taong 2022.
Ayon kay Undersecretary Mercedita Asombilla, tinatayang nasa 500,000 metric tons ang ibinaba ng rice production.
Aniya, maliit lang umano ang ibinaba nito base sa itinakdang target para sa taong 2022.
Epekto umano ito ng pagtaas ng presyo ng mga fertilizer dahil sa mga nagdaang bagyong tumama sa bansa.
Ipinabatid naman ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na maghihinay-hinay muna ito sa pag-I-import ng bigas para sa unang bahagi ng 2023 dahil papasok na ang anihan.
Dahil dito asahan umano na magkaroon ito ng direktang epekto sa presyo ng bigas hanggang hulyo sa susunod na taon.
Habang sa usapin naman ng suplay ng sibuyas, sinabi ni Asec. James layug na may sapat na suplay ng sibuyas sa susunod na taon kaya wala nang pangangailangan sa pag-import nito.