Nagtataka ang Bureau of Fire Protection – National Capital Region kung bakit mabilis ang pagkamatay at marami ang nasawi sa sunog sa Barangay Putatan, Muntinlupa noong linggo ng umaga.
Sampung magkakamag-anak ang patay, kabilang ang isang bata nang hindi makalabas ang mga ito sa kanilang nasunog na bahay sa Larva Street, Bruger Subdivision kahit naganap ito dakong alas-9.
Ayon sa BFP-NCR Public Information Office, umabot lamang sa first alarm ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-10:20 palaisipan din para kay City Fire Marshall Fire Supt. Eugene Briones kung bakit walang nakapansin sa sunog gayong umaga ito naganap at maraming tao ang nasa loob ng bahay.
Pero dahil sa batay sa naunang imbestigasyon ay nagsimbang gabi ang mga biktima, maaari anyang pagod at nagpapahinga ang mga ito nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.
Malaki rin umano ang maitutulong ng recording ng CCTV Camera sa loob ng bahay sa gagawing imbestigasyon kahit nasunog na ang naturang aparato.
Ito’y dahil buo pa naman ang hard drive na pino-proseso na ng I.T. Experts ng BFP.