Matapos ang dalawang taon, muling dumagit ng korona sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Mens Senior Basketball ang Ateneo De Manila University Blue Eagles.
Naungusan ng Ateneo ang defending champions ang U.P. Fighting Maroons sa score na 75-68 sa Game 3 ng Season 85 finals, kagabi.
Dinumog ng nasa 22,000 expectator ang Araneta Coliseum upang saksihan ang tinaguriang “Battle of Katipunan”.
Dinominahan ng Blue Eagles ang second half sa score na 47-32 hanggang sa lumobo sa 20 points ang kalamangan 52-32, sa nalalabing siyam na minuto ng 3rd quarter matapos ang lay-up ni Sean Quitevis mula sa pasa ni Angelo Kouame.
Gayunman, hindi nagpadaig ang Fighting Maroons makaraang magpakawala ng floater si James Spencer hanggang sa makabahol ang U.P. sa score na 56-50 sa nalalabing tatlong minuto ng 3rd quarter.
Tinanghal namang finals Most Valuable Player si Kouame na nagpawakala double-double 19 points at 12 rebounds.
Ito na ang ika-12 kampyonato ng Blue Eagles sa Senior Men’s Basketball ng nasabing torneyo.