Mahigit 3.4 na milyong metrikong tonelada ng palay ang nasasayang kada taon sa bansa.
Ito ang ikinabahala ni Federation of Free Farmers of the Philippines Board Chairman Leonardo Montemayor matapos masayang ang nasa 10% hanggang 15% ng aning palay.
Nanawagan naman si Montemayor sa pamahalaan na magtayo ng mga rice drying facility upang maiwasan ang pagkalugi.
Samantala, dapat din aniyang bigyang-pansin ng Department of Agriculture ang nagbabadyang kakulangan ng suplay ng palay sa susunod na taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla