Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Lanao Del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagyanig dakong alas-5:44 ng madaling araw kung saan tectonic ang origin ng lindol na may lalim tatlong kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Kalilangan, Bukidnon; Intensity III sa Talakag, Bukidnon; Cagayan De Oro city, Misamis Oriental at Intensity I sa Malaybalay, Bukidnon; Kidapawan City, Cotabato.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na inaasahan ang aftershocks at pinsala matapos ang pagyanig.