Nasa 60% ng lokal na pamahalaan sa bansa ang handa sa pagbibigay ng serbisyo kaugnay sa family planning.
Ayon kay Lolito Tacardon, Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (PopCom), ang nasabing bilang lamang ang mayroong inihandang pondo para sa pills, implants at permanenteng contraception methods.
Dahil dito, ipinayo ni Tacardon na dapat na patuloy na suriin at pagbutihin ng gobyerno ang programa nito upang matiyak ang pakikipagtulungan lokal na pamahalaan, gayundin sa pribadong sektor at mga organisasyon.